May suportang makukuha dito
Kung ikaw o ang isang táong minamahal mo sa buhay ay nakaranas o naging saksi ng rasismo sa British Columbia, may tulong na makukuha.
Tawagan ang Racist Incident Helpline para makausap ang isang trained professional na makakatulong sa iyo na malaman kung ano ang resources na available sa iyo sa iyong komunidad.
Matatawagan Lunes hanggang Biyernes, 9:00 am hanggang 5:00 pm (PT).
Ito’y libre, kompidensyal, at makukuha sa mahigit sa 240 wika.
Ang Racist Incident Helpline ay hindi sadyang ginawa bilang kapalit ng emergency services. Kung ikaw ay kagyat na may krisis o ikaw ay nanganganib, tumawag sa 911.
Ang ba ang insidente ng rasismo?
Para sa mga layunin ng resource na ito, ang isang insidente ng rasismo ay ang pasalita o pisikal na pagiging agresibo, ang pagtanggi sa serbisyo, bullying, pananakot, o diskriminasyon batay sa kulay ng balat ng isang tao at/o sa kanyang etnisidad o kulturang pinanggalinan.
Kailan dapat tumawag
Tawagan ang helpline kung ikaw ay nakaranas o naging saksi ng isang insidente ng rasismo – gaano man katagal ang panahon na lumipas.
Ang helpline ay accessible Lunes hanggang Biyernes, 9 am hanggang 5 pm (PT). Ito’y available sa lahat ng nasa British Columbia, anuman ang iyong immigration status.
Ang Racist Incident Helpline ay hindi para sa mga tawag na emergency. Kung ikaw ay kagyat na may krisis o ikaw ay nanganganib, mangyaring tumawag sa 911.
Pagkatapos ng mga oras ng trabaho
Kung ikaw ay kagyat na may krisis o ikaw ay nanganganib, mangyaring tumawag sa 911.
Kung kailangan mo ng suporta sa labas ng mga oras ng trabaho para sa ibang bagay na hindi emergency, mangyaring mag-iwan ng mensahe at tatawagan ka namin sa susunod na araw ng negosyo.
Mangyaring tandaan na hindi kami nag-iiwan ng voice messages dahil sa pagka-pribado at sa pagiging kompidensyal, pero kung ikaw ay nag-iwan ng mensahe, susubukan ka naming tawagan nang ilang beses. Kung hindi mo nasagot ang aming mga tawag, mangyaring tawagan kami ulit.
Kung ikaw ay kagyat na may krisis o ikaw ay nanganganib, mangyaring tumawag sa 911.
Kung kailangan mo ng suporta sa labas ng mga oras ng trabaho para sa ibang bagay na hindi emergency, mangyaring mag-iwan ng mensahe at tatawagan ka namin sa susunod na araw ng negosyo.
Mangyaring tandaan na hindi kami nag-iiwan ng voice messages dahil sa pagka-pribado at sa pagiging kompidensyal, pero kung ikaw ay nag-iwan ng mensahe, susubukan ka naming tawagan nang ilang beses. Kung hindi mo nasagot ang aming mga tawag, mangyaring tawagan kami ulit.
Ano ang mangyayari kapag ikaw ay tumawag
Kapag nag-dial ka sa 1-833-457-5463, diretso kang ikokonekta sa isang staff member na nakatapos ng trauma response at cultural sensitivity training.
Maaaring gawin ng operator ang sumusunod:
- Pakinggan ang iyong naging karanasan,
- Magbigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa mga pansuportang serbisyong makukuha mo malapit sa iyo,
- Sabihin sa iyo kung ano ang mga susunod na hakbang, batay sa kung gaano ka komportableng gawin ang mga bagay, at
- Kapag pinahintulutan mo siya, irerefer ka niya sa mga serbisyong pinaka-tumutugma sa iyong mga pangangailangan.
May tulong na makukuha sa mahigit sa 240 wika kaya’t sabihin sa táong sasagot sa iyong tawag kung ano ang wikang mas gusto mong gamitin.
Handa kaming tumulong. May suportang makukuha dito.
Libre. Kompidensyal. Trauma-informed.
Mga Madalas na Katanungan
Kung ikaw o ang isang tao ay kagyat na nanganganib, mangyaring tumawag sa 9-1-1.
Ang mga insidente ng rasismo ay nangyayari araw-araw sa bawat klase ng lipunan. Naririto kami para magbigay ng suporta at resources para tulungan kang maunawaan ang epekto ng nangyari.
Naririto kami para suportahan ang sinumang may naranasan o nakitang insidente ng rasismo sa BC dahil ito ay nakaka-shock, nakakalito, nakakaasiwa, at nakaka-isolate.
Naglalaan din kami ng suporta at resources sa mga táong nagsusuporta sa isang táong nakaranas ng insidente ng rasismo, dahil ang makaranas ng ganitong insidente na nangyayari sa iba ay maaari ring makaapekto sa iyong kabutihan.
Sa panahong ito, ang matatawagang helpline ay 1-833-457-5463, Lunes hanggang Biyernes (maliban sa mga piyesta opisyal), 9 am hanggang 5 pm, Pacific Time. Ang mga tumatawag ay maaaring mag-iwan ng mensahe sa labas ng mga oras ng trabaho at mag-iwan ng numero kung saan sila matatawagan sa susunod na araw ng trabaho.
Naglalaan kami ng suporta sa telepono sa sinumang nasa BC.
Ang mga sumasagot ng aming telepono ay sasagot muna sa Ingles. Kung mas gusto mong mag-usap gamit ang ibang wika, mangyaring sabihin sa táong sumagot at ikokonekta niya ang isang interpreter sa tawag para gawin itong three-way call. Ang interpretation ay inilalaan ng Voyce (ang listahan ng mga wika ay hindi available online) o CanTalk (https://cantalk.com/our-languages/) at ito’y available sa mahigit sa 240 wika at dialekto.
Ang aming layunin ay ang puntahan ka ng resources sa lugar kung nasaan ka at suportahan ka pagkatapos mong maranasan o ma-witness (masaksihan) ang isang insidente ng rasismo.
Maaari kaming magbigay ng mga referral sa mga organisasyon sa buong province na espesyalista sa pagbigay ng suporta sa mga táong apektado ng mga insidente ng rasismo, kabilang na ang mga programang nag-aalok ng counselling na ligtas para sa kultura, peer support groups, pagtuturo hinggil sa anti-hate at sa diversity, legal na tulong, koneksyon sa komunidad, at marami pang iba.
Oo, ang lahat ng mga tawag sa helpline ay kompidensyal. Hindi magbabahagi ng personal na impormasyon nang wala ng iyong pahintulot, maliban sa mga kaso kung saan ito iniuutos ng batas (sinusubukang saktan ang sarili o ang iba), atbp.
Hindi magbabahagi ng personal na impormasyon sa pulis, maliban sa mga kaso kung saan ito iniuutos ng batas (sinusubukang saktan ang sarili o ang iba), atbp.
Ang helpline ay lubos na walang kinalaman sa pulis. Kung ikaw o ang isang tao ay kagyat na nanganganib, mangyaring tumawag sa 9-1-1.
Kung ikaw ay biktima o witness (saksi) ng isang krimen at nais mong mag-file ng police report, maaaring sabihin sa iyo ng táong sumagot sa telepono kung ano ang mga susunod na hakbang. Kapag tumawag sa helpline, hindi magkakaroon ng mga police report, indibidwal na imbestigasyon, pamamahala sa kaso, o immediate interventions.
Kung nag-file ka ng report sa amin, ang impormasyon na aming kokolektahin ay gagawing anonymous, pagsasama-samahin sa iba, at ibabahagi sa Ministry of Attorney General ng BC. Ang layunin ay ang malaman kung ano ang iba’t-ibang mga uri ng insidente ng rasismong nangyayari sa BC, magbigay ng suporta, magpatnubay, at pahusayin ang mga programa, mga serbisyo, at mga inisyatibo ng province laban sa rasismo, at makatulong na maunawaan ang mga gap at mga problema sa sistema nang mapagsikapan ng Province na magsagawa ng mga pagbabago sa BC.
Mayroong mga community-based organizations na espesyalista sa pakikipagtulungan sa mga ispesipikong populasyon. Ang impormasyon na kusang-loob mong ibibigay ay tutulong sa amin na irefer ka sa mga serbisyong accessible sa iyo at na pinaka-tumutugma sa iyong mga pangangailangan. Natutulungan din kami nito na mas maunawaan kung ano ang nangyayari, kung sino ang nangangailangan ng tulong, at kung anong klaseng tulong ang kinakailangan sa buong BC. Ikaw ang bahala kung anong impormasyon ang gusto mong ibahagi; susuportahan ka pa rin namin.
Nakikipagtulungan kami sa mga organisasyon sa komunidad para masigurado na ang mga tumatawag ay makaka-access ng suporta, kabilang na ang counselling na ligtas para sa kultura, trauma-informed care workshops (workshops kung saan nalalaman ang trauma at kung paano nito naaapektohan ang mga tao), at legal na tulong. Layunin naming ikonekta ka sa mga serbisyong kinakailangan mo.
Impormasyon para sa service providers
Iniimbita namin ang mga organisasyon sa mga komunidad, ang mga organisasyong pinamumunuan ng mga Indigenous na tao, at ang land-based Nations sa buong province na specialized sa pagbigay ng suporta sa mga naaapektohan ng mga racist na insidente na kumuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa programang ito at sa mga oportunidad nito; bisitahin lamang ang United Way BC website.
Helpline Information and OpportunitiesTungkol sa Racist Incident Helpline (Helpline para sa mga Insidente ng Rasismo)
Ang Racist Incident Helpline (RIH) ay isang trauma-informed resource na ligtas sa kultura para sa mga táong nakaranas o naging saksi ng isang insidente ng rasismo pero maaaring ayaw magreport sa pulis, o maaaring hindi nila nalalaman kung paano ito ireport sa pulis. Sinisigurado ng helpline na maaaring i-access ng lahat ang impormasyon at suportang nais nila at na kinakailangan nilang makuha.
Ang mga tawag ay sinasagot ng trained professionals na makikinig at magbibigay ng impormasyon at referrals sa community-based organizations sa buong province na specialized sa pagbigay ng suporta sa mga insidente ng rasismo at pagtaguyod sa anti-racism, diversity, pagiging pantay-pantay ng lahat, at inklusyon ng lahat.
Ang anonymized data na kinokolekta mula sa Racist Incident Helpline ay gagamitin kasama ng insights na nakuha mula sa iba pang mga anti-racism na inisyatibo ng Pamahalaan ng British Columbia para suportahan, patnubayan, at pahusayin ang mga programa, serbisyo at inisyatibo ng province hinggil sa anti-racism.
Ang Racist Incident Helpline ay dinibelop at pinamamahalaan ng Multiculturalism and Anti-Racism Branch ng Ministry of Attorney General, habang ka-partner ang United Way British Columbia, at ito’y nakikipagtulugan sa community organizations sa buong B.C.
Tulungan kaming pagsilbihan ang mga komunidad sa buong province.
Ang form na ito ay para lamang sa feedback. Kung nais mong kausapin ang isang propesyonal tungkol sa isang racist na isidente, o kung gusto mong kumonekta sa support services, mangyaring tawagan ang 1-833-HLP-LINE (457-5463).