Pahayag ukol sa Pagka-pribado (Privacy Statement)

Pambungad

Ang Pamahalaan ng British Columbia (B.C.)  at ang United Way British Columbia (United Way BC) ay nangangakong protektahan ang iyong pagka-pribado. Ang Pamahalaan ng B.C. at ang United Way BC ay nangongolekta, gumagamit, at nagsisiwalat ng iyong personal na impormasyon alinsunod sa Freedom of Information and Protection of Privacy Act (FOIPPA) at iba pang naaangkop na batas. Ang ‘Personal na impormasyon’ ay malawak na inilalarawan sa Freedom of Information and Protection of Privacy Act bilang nakarekord na impormasyon tungkol sa isang táong maaring makilala, maliban sa contact information, na siyang impormasyon na ginagamit upang kontakin ang isang tao sa isang lugar ng negosyo. Ang layunin ng pahayag na ito ukol sa pagka-pribado ay ang ipaalám sa iyo na ang personal na impormasyon ay maaring kolektahin mula sa iyo kapag ikaw ay nagpupunta sa Racist Incident Helpline(Helpline para sa mga Insidente ng Rasismo) website at kung paano maaring magamit ang impormasyon na iyon.

Scope

Ang pahayag na ito ukol sa pagka-pribado ay hinggil lamang sa impormasyon na awtomatikong kinokolekta mula sa iyo bilang resulta ng iyong pagbisita sa website. Hindi kasama rito ang impormasyon na hinihiling sa iyo ng isang website. Ang anumang mga karagdagang pangongolekta ng isang website sa personal na impormasyon ay tutukuyin sa isang collection notice (paunawa ukol sa pangongolekta ng impormasyon) sa website na iyon.

Paano kokolektahin ang aking personal na impormasyon.

Ang mga website ng Pamahalaan ng B.C. ay nangongolekta ng impormasyon tungkol sa iyong pagbisita sa website, kabilang ang personal na impormasyon, sa pamamagitan ng paggamit ng audit logs at cookies. Ang cookie ay isang maliit na file na inilalagay ng iyong web browser sa iyong computer kapag gumagamit ka ng ilang websites.

Anong personal na impormasyon ang kinokolekta?

Ang impormasyon na kinokolekta ay:

Sasabihin sa iyo ng Pamahalaan ng B.C., gamit ang mga website nito, kung mangongolekta ang cookies ng karagdagang impormasyon mula sa iyo. Ang isang cookie ay maaring manatili sa iyong computer kapag natapos na ang Internet session (hanggang sa mag-expire ang cookie o na-delete mo ito).

Ang Pamahalaan ng B.C. at ang United Way BC ay nangongolekta ng personal na impormasyon sa ilalim ng awtoridad ng seksyon 26(c) ng FOIPPA para sa mga layuning nakapahayag sa ibabâ sa susunod na seksyon.

Ano ang layunin ng pangongolekta ng aking personal na impormasyon, at paano ba ito gagamitin?

Ang Pamahalaan ng B.C. at ang United Way ay nangongolekta ng personal na impormasyon sa pamamagitan ng  cookies upang mas maunawaan nito ang general user trends sa isang aggregate level at upang mapahusay nito ang web performance, web services, at website maintenance. Ang personal na impormasyon ay kokolektahin lamang ng awtorisadong staff upang matupad ang layunin para kung saan ito’y orihinal na kinolekta, o para sa paggamit alinsunod sa layuning iyon, maliban kung iba ang iyong malinaw na pahihintulutan. Ang Pamahalaan ng B.C. at ang United Way BC ay nangongolekta ng personal na impormasyon sa pamamagitan ng security audits upang magbigay-proteksyon laban sa mga banta ng hackers, at para sa ibang mga layunin ng pagpapatupad at ng security. Hindi ginagamit ng Pamahalaan ng B.C. at ng United Way BC ang datos na ito upang matiyak ang iyong identidad, maliban kung ito ay inutusang gawin ito bilang bahagi ng isang panloob na imbestigasyon o para sa ibang layunin sa pagpapatupad; kapag ito’y ginawa, ito’y gagawin lamang alinsunod sa FOIPPA.

Maari ba akong mag-opt out o hindi sumang-ayon sa pangongolekta ng aking personal na impormasyon?

Maaring pahintulutan ka ng iyong browser na i-disable ang cookies, pero hindi ka maaring mag-opt out sa impormasyon na kokolektahin para sa mga layunin ng audit. At ang iyong desisyon na i-disable ang cookies ay maaring makasagabal sa iyong kakayahang mag-browse, magbasa, at mag-download ng impormasyon na nasa mga website ng Pamahalaan ng B.C., at maaring hindi ma-personalize ng pamahalaan ang iyong web experience. Gayunman, maari mo pa ring i-access ang mga serbisyo ng Pamahalaan ng B.C. sa pamamagitan ng ibang mga paraan tulad ng personal na contact, fax, o kaya mail.

Anong safeguards ang mga nasa lugar upang protektahan ang aking personal na impormasyon?

Ang Pamahalaan ng B.C. at ang United Way BC ay obligadong protektahan ang iyong personal na impormasyon sa pamamagitan ng paggawa ng mga makatwirang security arrangements laban sa mga risk tulad ng ‘di-awtorisadong access, pangongolekta, paggamit, pagsisiwalat, o disposal. Ang access sa systems, mga aplikasyon, at kinolektang datos ay partikular na limitado lamang sa mga awtorisadong tauhan. At ang anumang personal na impormasyon na kinokolekta at ginagamit para malaman ang user trends (hal., IP address) ay pinagsasama-sama at ginagawang anonymous kapag gumagawa ng mga report.

Gaano naman katagal itinatago ang impormasyon?

Ang ilang cookies ay mananatili sa iyong computer basta nananatiling bukás ang iyong browser, o hanggang dinelete o tinanggal mo sila mula sa iyong computer. Ang ibang cookies ay mananatili sa iyong computer upang makilala ka kapag bumalik ka sa website. Ang cookies na ito ay mag-eexpire nang hindi lalampas ng 18 buwan mula sa unang beses na inilagay ito sa iyong computer. Ang impormasyon na kinolekta bilang bahagi ng isang cookie o security audit log ay pinananatili nang 2 taon. Ang impormasyon na kinokolekta o nililikha ng Pamahalaan ng B.C. ay minimintina alinsunod sa records retention schedules ng pamahalaan at iba pang mga iniuutos ng batas.

Paano ko maaaring i-access at maiwasto ang impormasyon na isinumite ko sa isang website?

Maari mong rebyuhin ang anumang personal na impormasyon na kinolekta tungkol sa iyo sa pamamagitan ng pagrequest ng access sa ministry na humahawak sa impormasyon, o sa pamamagitan ng pagsumite ng request para sa Freedom of Information. Maari kang mag-request ng mga pagbabago o maari mong lagyan ng komentaryo ang iyong personal na impormasyon kung naniniwala ka na ito’y mali; upang gawin ito, magsumite lamang ng isang nakasulat na kahilingan na naglalarawan sa kamalian. Mangyaring kontakin ang ministry o ibang kagawaran ng pamahalaan na humahawak sa iyong personal na impormasyon. Ang Privacy, Compliance and Training Branch ay maaring kontakin para sa pangkalahatang impormasyon.

Sino ang maari kong kontakin para sa karagdagang impormasyon tungkol dito sa pahayag ukol sa pagka-pribado?

Ang mga katanungan tungkol dito sa pahayag sa pagka-pribado, kabilang na ang pangongolekta ng personal na impormasyon, ay maaring ipadala sa isang Senior Privacy Advisor sa Privacy, Compliance and Training Branch sa Ministry of Finance, PO Box 9493 Stn Prov Govt, Victoria, BC., V8W 9N7, telepono 250-356-1851. Privacy.Helpline@gov.bc.ca.